BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Feb 25, 2009

fake + emo = FAKEMO :]]

ayan . waLa n din Lang akong mapost ,
share ko naLang sa inyo yung nabasa ko sa ARTISAN .. (.newspaper ng TUP.)

bout EMO ..

Photobucket


kung may EMO , mayroon din namang nagbabaLatkayong emo.
Sila ang mga nag-eemo-emohang niLalang.
* nakiki-emo Lang yung iba.
* gusto Lang niLang gumaya para makiLala.
* dahiL na rin sa pagsunod sa uso, hindi maiiwasan sa kahit anong sub-cuLture ang
mga POSER.

POSER ang tawag sa mga gumagaya at nakikibagay ngunit hindi Lubusang
naiintindihan ang kahuLugan nito.

* nais Lamang ipagmayabang ang pagsabay sa usong porma.
* nagko-costume ng bLack band t-shirt with matching hapit na pants.
* nakikiiyak sa mga sentimentaL rock songs.
* naka-wig ng one-sided emo hairstyLe,
* animo'y sinuntok sa kapaL ng eyeLiner at parating nakasimangot.

Halatang-halata naman na ngangati na ang mukha sa maskara na eyeLiner
at nagkaka-aLLergy na sa mga bLack na accessories.
Pero kinakaya aLang-aLang sa sining ng panLoloko.

* Sila yung feeL na feeL ang pagka-popuLar ng emo.

" nauso Lang ang kamikazee, nagbandahan na. nauso Lang ang emo, nag-iyakan na."


NagduduLot ng masamang imahe sa emo ang mga poser.
DahiL sa baLuktot na adhikain ng mga emo-emohan, nagkaroon ng maLing
persepsyon ang Lipunan sa emo.

Layunin ng emo na maiLabas ang tunay na nararamdaman. Sa kabiLang banda,
dinudumihan naman ang hangaring ito ng mga emo-emohan na mapagpanggap at
niLoloko ang sariLi.

* IpinangangaLandakan sa buong mundo na siya'y nade-depress at
waLa nang pag-asa.
* Dinaramdam ang mga tradisyunaL na paksa ng emo gaya ng:
+ ayoko na sa mundo
+ sinasaktan ko ang sariLi ko
+ gusto kong mamatay
+ gaLit ako sa buhay ko


Mapapansin ang mga sariwang sugat sa puLso na ginaya pa sa Internet.
InaakaLa na kaiLangang saktan ang sariLi upang maging ganap ang pagka-emo.
Sa panahon ngayon, karamihan ng nagLalaslas ay mga poser.

"Hindi porket emo ay kaiLangang magpakaLungkot at piLitin ang sariLi
na hiwain ang puLso."

Mababaw ang pag-intindi ng mga emo-emohan pagdating sa tunay na kahuLugan ng emo.
Ngunit pinipiLit gumaya dahiL pinaniniwaLaang magiging sikat at mapapansin.
Kahit hindi komportabLe sa sariLi, patuLoy na binibiLanggo ang pagkatao sa katawan ng isang emo.

0 comments: